Watch the Video Guide:
Mga kailangan:
- Balde/Lagayan na kasya ang 17 liters
- 15 litrong tubig
- Panghalo na plastic o kahoy o stainless
- Kit ingredients
Steps:
- Maglagay ng 15 litrong tubig sa balde.
- Ilagay ang surfactant ng dahan dahan habang hinahalo. Huwag hayaang mamuo at magkumpul-kumpol ang surfactant.
- Pag tunaw na ang surfactant, ilagay ang mga natitirang sangkap pwera lang ang thickener, habang hinahalo parin ang mixture.
- Pag tunaw na lahat at namix ng mabuti ang mga sangkap, sunod na ilagay ang thickener ng dahan dahan. Unti-unting lalapot ang mixture. Pag malapot na ito, maaari ng tumigil sa paghalo.
- Maaari na itong gamitin agad o kung hindi naman ay takpan ang balde at itabi lang ang mixture ng dalawa hanggang walong oras para matanggal ang bula.
*** Sa paglagay ng thickener, siguraduhing tumigil na sa paglagay kapag malapot na ang mixture, dahil nakakalabnaw din ang thickener pag nasobrahan.