Mga kailangan:
- Balde
- 15-16 litro ng tubig
- Panghalo tulad ng kahoy o pvc pipe
- mga sangkap sa Kit
Steps:
- Ilagay ang tubig sa timba.
- Dahan dahang ilagay ang surfactant (SLES gel) ng paunti unti habang hinahalo. Siguraduhing walang buo buo.
- Haluin hanggang tunaw na tunaw na ang surfactant.
- Ilagay ang foam booster kasunod ang degreaser habang hinahalo.
- Isunod ang mga natirang sangkap bukod sa thickener(Asin) at pearlizer.
- Pag tunaw na lahat ng nailagay na ingredients. Isunod ang thickener ng paunti unti habang hinahalo hanggang lumapot ito sa lapot na gusto mo.
- Ilagay ang pearlizer at haluin hanggang maikalat mabuti ang pearlizer sa mixture.
- Hintayin ang 24hrs hanggang mawala ang mga bula..
- Ilagay sa lagayan. Enjoy!
Babala: wag uubusin ang thickener pag ito ay sumobra magiging malabnaw uli ang mixture.