DIY Dishwashing Kit Mixing Guide (Guide sa paghalo ng kit)


Panoorin ang Video:

Mga kailangan:

  • Balde/Lagayan na kasya ang 17 liters
  • 15 litrong tubig
  • Panghalo na plastic,kahoy o stainless
  • Kit ingredients

Steps:

  1. Maglagay ng 15 litrong tubig sa balde.
  2. Ilagay ang surfactant ng dahan dahan habang hinahalo. Huwag hayaang mamuo at magkumpul-kumpol ang surfactant.
  3. Pag tunaw na ang surfactant, ilagay ang mga natitirang sangkap pwera lang ang thickener, habang hinahalo parin ang mixture.
  4. Pag tunaw na lahat at namix ng mabuti ang mga sangkap, sunod na ilagay ang thickener ng dahan dahan. Unti unting lalapot ang mixture. Pag malapot na ito, maari ng tumigil sa paghalo.
  • Maari na itong gamitin agad o kung hindi naman ay takpan ang balde at itabi lang ang mixture ng dalawa hanggang walong oras para matanggal ang bula.
    *** Sa paglagay ng thickener, siguraduhing tumigil na sa paglagay kapag malapot na ang mixture, dahil nakakalabnaw din ang thickener pag nasobrahan.